Warning: This is a Tagalog entry...so to those who can't read tagalog...err...miane...diu bu qi...gomen!
-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-
Grabe ang pagmumuni-muni ko ngaun, sumobra ata sa kakatitig sa wallet na may lamang litrato ni Kim Junsu at Kim Jae Joong. Alam ko alam ko, asawa ko ung isa, kabit naman ung isa. Napatingin din ako sa litrato ng aking mga anak, si Ryu Wook, Sung Min at Kang In...ang aking mga pinakamamahal na mga anak.
Napatingin din ako sa litrato ng aking kapatid na si Micky Park. Ang leche tlgah, kung ngumiti parang...manok? Teka, ngumingiti ba ang manok? Mukhang si Kuya Micky lang ang may kaya nun.
May nahugot din akong isang litrato na nagpatalon sa akin. Ang picture ng aking dating kasintahan na si Gino ay nasa loob pa rin na aking kulay rosas na pitaka. Dyoz ko, dali dali kong binalik ito sa aking pitaka baka maboking pa ako ng aking kapatid na manok at sabihin may pagnanasa pa ako sa aking dating kasintahan.
Ayan ang ginawa ko buong tangahlian, pagkatapos kumain ng aking masarap at walng kasawa sawa na giniling na baboy na sabi ng aking ina ay "ham-bor-ger" daw eh nagayos ako ng aking pitaka. Wala kasing magawa at lahat ng tao sa aming la mesa ang pinaguusapan ay si Ginoong Shakey...Ginoong Shakespeare na sumulat ng Hamlet na aking tinutulugan sa aming asignaturang, Ingles!
0_________________0 >> ang hirap plah ng puro tagalog lng!
At sa ngayon, wala akong ginagawa kundi mag-dawnlod ng mga myozek piles para sa aking mp3 manalalaro. Teka, ano nga ba ang nilalaro ng mp3? Basketbol? Ballibol? Sopbol? or di kaya...Beysbol! o kya naman Sucker!
At ito nanaman ako, naghahanap ng maaring maintriga sa buhay ng mga Koreanong Artistang aking kinagigiliwan tulad ng Dong Bang Shin Gi" at yun, napapatitig nanaman sa litrato ni Junsu wunsu na nilagay ng mga anghel sa langit.
Halata bang wala na akong magawa? Hindi naman cguro dahil nag-ta-tayp pa ako dito sa aking blag! Pati prendster ay kinarir ko na rin! Ayun tignan nyo, may desayn desayn na rin at may bidyo pa galing sa "Ikaw Tubo". Ang nilagay ko ung tray-ler ng "Di Makakalitmutang Babae sa Buhay Ko" ung bandyun ng Dong Bang Shin Gi pati ung myozek bidyo nila na "Stey wed mi Twonayt"
Nilagyan ko pa ng kumikinang kinang na mga pangalan tuland ng "prinsesa" at ang aking ownlyn aydentite na "kawaeegerl27" Makikita nyo un pag pinasok nyo ang aking prendster a-count! Lagayan nyo na rin ng "testi" at isama nyo na rin ako sa listahang pangkaibigan nyo para maging prendsters tayo! Idagdag nyo ako ha? jasonatic@yahoo.com (< uy seryosong email yan ha!)
Ayan! At naadik nnaman ako sa babeng banda na Koreano na GATAS! Kasi sa aking palagay, bagay na bagay tlagah si Bomi at Max. At kahit bagay din si Jae Young (Hee Bon) at Junsu wunsu, akin parin ang dolfin ber ko ha!
Eto nga plah ang kanilang mga sumbrero na kinuha ko gamit ng Bintana Pangawa ng Pelikula...
Si Jae Joong at si Seulgi....si Seulgi ay parang manghuhula dito!

Si Micky, ang aking kapatid at ang tibo na si Dain...

Si Junsu wunsu at si Hee Bon...ang stoker nya...teka...ako yun eh!

at syempre si Choi Kang Chang Min kasama nya ang pinakamagandang miyembro ng GATAS na si BOMI!!!! Kinikilig ako sa mga pagtatagpo nila!
 
At dyan nagtatapos ang talaang-araw na ito....sana at kahit papano may naintindihan kau sa aking tinala sa araw na ito. Huwag kayong magalala..minsan minsan lang ang ganito at babalik na ako sa pagtatala sa wikang Ingles... --------------------------
HAHAH!! I'm waiting for you comments....I know i'm so corny....but hell...it was so fun doing that!!! |